top of page

Dalawang Ka-Republic, nag-uwi ng parangal sa 2022 CRH Safety Awards


Sina Jowilson at Enrique ng Republic Cement kasama ang iba pang pinarangalan sa 2023 CRH Safety Awards sa Amsterdam, the Netherlands

Kinilala sa 2022 CRH Safety Awards noong ika-8 ng Marso ang mga ka-Republic nating sina Jowilson Aceron ng Teresa Plant at Enrique Montalbo nq Batangas Plant. Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga emplevadona lubos na kumakatawan at nagkaroon ng makabuluhang kontribusvon sa kultura ng health at safetv sa CRH.


Nakaraan nang nanonomina sina Jowilson at Enriaue sa Golden Hard Hat Awards sa kani-kanilang planta. Napupuri si Jowilson sa kanyang alertong pagpansin sa safety behavior ng mga contractor, una ay para sa Mobile Transport Safety and Energy Isolation at ana isa naman av ukol sa Contractor Safetv Management and Work at Heights. Dahil sa kanyang mga mungkahi, nagkaroon ng mga pagbabago sa LOTOC procedure at sa safety plan ng mga contractor upang mapahusay ang kanilang safety performance.


Madalas ring manomina sa GHH si Enrique dahil sa kanyang pagiging maagap sa pag-iwas sa mga aksidente. Nangunguna siya sa kanyang team sa build-up clearing at sa pagsunod sa LOTOTO procedure, bukod sa iba pang safety procedure. Agad rin siyang nagre-report ng unsafe conditions at sinisiguradong mabilis tong naitatama upang mapanatiling ligtas ang area para sa trabaho.


Bukod sa pagdalo sa awarding ceremony sa Amsterdam, nagkapag-plant tour din sa ibang CRH facilities sina Jowilson at Enrique. Bumisita sila sa pre-cast plant ng Heembeton at ng Dycore kasama ang Heembeton Plant Safety Manager na si Jan Willem Bruggemann.


Nagkaroon ng pagkakataon sina Jowilson at Enrique na makausap ang mga opisyal ng CRH tulad nina David Dillon (Executive VP, CRH) at Noel O'Mahony (Senior VP, CRH APAC)

Anong naramdaman ninyo noong nalaman ninyong nanalo kayo at pupunta sa awarding ceremony sa Amsterdam?


JA: Since nanalo rin kami dito sa planta ng Golden Hard Hat at yung Hero of the Year, hindi na kami nag-expect ng iba pa. Doon pa lang, masayang-masaya na kami. Iyong mga ginawa namin at yung commitment namin sa safety, ginawa namin hindi dahil part ng trabaho kundi tulong rin sa mga kasamahan natin. Hindi namin akalain na iyon pala ay bibigyan ng atensyon ng ating mga boss.


EM: Unang-una, nagpapasalamat kami sa mga boss para sa pag-nominate sa amin. Noong sinabi sa amin na nanalo rin kami dito at pupunta sa Amsterdam, hindi ko maipaliwanag iyong naramdaman ko. Nagsama ang excitement at kaba dahil first time din naming lumabas ng bansa. Napakalaki ng pasasalamat namin sa ating mga boss at mga taga-planta sa pagtulong nila sa amin.


Kumusta naman ang inyong karanasan sa awarding ceremony at sa plant tour?


Inilibot ni Heembeton Plant Safety Manager Jan Willem Bruggemann sina Enrique sa planta

EM: Napakababait ng mga nakilala namin doon. Nagpapasalamat kami na ganoon ang pag-welcome nila sa amin, kasama sa kwentuhan at pagkain.


JA: During the awarding, malugod ang pagtanggap saamin ni Enrique. May special treatment at natuwa sila na merong mga representative galing Pilipinas. First time kasi iyon. Sinama rin kami sa mesa ng mga big boss ng CRH Europe.


Anong mensahe ninyo sa ating mga Ka-Republic?


JA: Sa trabaho natin, may commitment talaga sa safety bago pa man tayo i-hire ng Republic. Hindi lang natin ito ginagawa dahil sa commitment kundi dahil gusto rin natin at hindi labag sa kalooban. Para ito sa kaligtasan ng ating mga kasamahan, para makauwi sila nang maayos. Para rin ito matuto tayo sa kapwa natin pagdating sa safety. Kung may mali sa ginagawa, wala namang perpektong tao. I-approach lang natin nang maayos, may tamang pakikiusap at tamang paliwanag para maintindihan kung bakit natin ito ginagawa at itinatama. 


EM: Tuloy lang natin ang ginagawa nating maganda at tama. Kung may issue na nakikita, huwag nang palakihin; i-resolve agad. Halos twenty years na ako sa planta, nakita ko na paano tayo nag-evolve pagdating sa safety. Kapag talagang may pagmamahal ang ginagawa mo, magsusunod-sunod na iyan—iingatan mo ang kapwa mo, at hindi mo hahayaan na may masamang mangyari sa kanila. Kung may mali, matututo tayo at hindi na mauulit.



Mga huwaran sina Jowilson (Dispatch Coordinator sa Teresa Plant) at Enrique (Senior Production Supervisor sa Batangas Plant) ng kaya nating marating sa patuloy na pagsasabuhay ng health and safety values ng Republic Cement.


Kitang-kita ang pagmamahal at respeto nina Jowilson at Enrique sa buhay at kaligtasan ng kanilang kapwa manggagawa. Nawa’y maging inspirasyon sila sa atin upang patuloy na pag-igihin ang ating pagsunod sa health and safety protocols at panatilihing ligtas ang isa’t-isa.

Comments


bottom of page